Tuesday, May 17, 2011

Coronation Night of Ginang ng Parokya 2011/Gabi ng Parangal ng Ginang ng Parokya 2011


The newly crowned Gng. ng Parokya 2011 together with Finance Committee.

The newly crowned Gng. ng Parokya 2011- Gng. Myrna O. Cañete.
Gng. Myrna O. Cañete crowned as Gng. ng Parokya 2011 by
Gng. ng Parokya 2010- Gng. Lorna Bengat and Engr. Edgardo Parungao
The candidates during the coronation night.



The Coronation Night of Gng. ng Parokya 2011 was held last April 2, 2011 at SPA Complex, 5 o’clock in the afternoon. The lucky candidates who were crowned that night are Gng. Myrna O. Cañete as Gng. ng Parokya 2011; Gng. Alicia M. Arago, 1st runner up; Gng. Victorina F. Lazaro, 2nd runner up; Gng. Alejandra C. Abiño, 3rd runner and Gng. Yolanda Aparente, 4th runner up.
The following candidates received special awards: Gng. Victorina F. Lazaro for Gng. Photogenic, Gng. Congeniality and Best in Casual Wear; Gng. Alicia M. Arago for Best in Filipiniana Gown and Best in Talent; Gng. Yolanda Aparente for Best in Evening Gown; and Gng. Alejandra C. Abiño for Most Popular. While Mr. Gary Arago and Ms. Paula Arcus for Male and Female Star of the Night.
The whole Parish on behalf of Finance Committee would like to thank the following judges that night, and these are: Ms. Maribel Dionisio, Mrs. Arlene de Leon, Mrs. Lorna Bengat- Gng. ng Parokya 2010, Prof. Regin Carlos Tambo-Ong, Mr. Dave Saan and Engr. Edgardo Parungao. The lucky tickets that night won special prizes were 6119, 7218, 6444, 6646, 5654 and 7410.


The Ginang ng Parokya was held yearly as project of Finance Committee which started year 200 where in Mrs. Aida Santos was the first Ginang ng Parokya followed by Mrs. Lorna Bengat (2010) and now Mrs. Myrna O. Cañete. This is just one of the projects of the Parish with the help of the Finance Committee to raise funds for the building of the new church.
Ginanap ang koronasyon ng Ginang ng Parokya 2011 noong Abril 2, 2011 sa SPA Complex, sa ganap na ikalima ng hapon. Ang mga pinalad na makoronahan ng gabing iyon ay sina Gng. Myrna O. Cañete bilang Gng. ng Parokya 2011; Gng. Alicia M. Arago, 1st runner up; Gng. Victorina F. Lazaro, 2nd runner up; Gng. Alejandra C. Abiño, 3rd runner at si Gng. Yolanda Aparente, 4th runner up.
Ang mga tumanggap ng natatanging parangal ay sina: Gng. Victorina F. Lazaro para sa Pinakamagandang Kuha ng Larawan, Pinakapalakaibigan at Pinakamagandang Magdala ng Kasuotang Kaswal; Gng. Alicia M. Arago para sa Pinakamagandang Magdala ng Kasuotang Pilipino at Natatanging Angking Talino; Gng. Yolanda Aparente para sa Pinakamagandang Magdala ng Panggabing Kasuotan; at si Gng. Alejandra C. Abiño para sa pinaka-Popular na Ginang. Itinampok rin naman sina G. Gary Arago at Bb. Paula Arcus para sa Male and Female Star of the Night.
Nagpapasalamat ng buong Parokya sa pangunguna ng Finance Committee sa mga hurado na sina Bb. Maribel Dionisio, Gng. Arlene de Leon, Gng. Lorna Bengat- Gng. ng Parokya 2010, Prof. Regin Carlos Tambo-Ong, G. Dave Saan at Engr. Edgardo Parungao. Ang mapapalad na numero ng tiket na nanalo na may katumbas na premyo ay ticket numbers: 6119, 7218, 6444, 6646, 5654 at 7410.
Ang Ginang ng Parokya ay ginaganap taun-taon bilang proyekto ng Finance Committee na nagsimula noong taong 2009 kung saan si Gng. Aida Santos ang unang naging Ginang ng Parokya, na sinundan naman ni Gng. Lorna Bengat (2010) at ngayon ay si Gng. Myrna O. Cañete. Ito ay isa lamang sa mga proyekto ng Parokya ng San Pablo katulong ang Finance Committee upang makalikom ng sapat na pondo para sa pagpapagawa ng bagong simbahan.

No comments:

Post a Comment